BUCOR Chief Nicanor Faeldon, nadiin pa sa pagdinig ng Senado
Nadiin pa sa pagdinig ng Senado si Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon kaugnay ng pagpapalaya sa mga nahatulan sa heinous crimes sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance law (GCTA).
Sa pagdinig ng Senado, inamin ni Justice secretary Menardo Guevarra na wala itong nilagdaang anumang rekomendasyon para sa pagpapalaya sa mga bilanggo sa Bucor kabilang na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Sinabi kasi ni Senate minority leader Franklin Drilon na batay sa itinatakda ng Republic Act 10592 o GCTA Law, dapat may approval ng Secretary of Justice ang anumang request para sa pagpapalaya ng mga bilanggo kabilang na ang kay Sanchez at mga convicted drug lords na pawang mga Chinese nationals.
Itinanggi ni Faeldon na sya ang pumirma sa release order katunayang kinuwestyon nya ang nakatakdang pagpapalaya lalo na kay Sanchez.
Pero nang ipakita ni Senador Panfilo Lacson ang specimen signature inamin nito na siya ang nakalagda sa release order.
Pero depensa ni Faeldon, hindi aniya ito release order kundi Memorandum para lamang masimulan ang pagpo-proseso kung karapat-dapat siyang makalaya.
Kinumpirma naman ni Faeldon na nakalaya na sa pamamagitan ng batas ang mga at mga nang rape at pumatay sa magkapatid na Chiong sa Cebu.
Sa datos na hawak ng Senado, umabot na sa 1, 914 n convicted criminals ang napalaya nang walang approval ng DOJ kung saan 194 rito ay mga convicted rapists.
Depensa ni Faeldon, napalaya umano sila batay sa kanilang magandang asal at hindi paglabag sa mga prison rules.
Iginiit pa ni Faeldon na wala namang silang binago sa batas mula nang ilabas ang Implementing Rules and Regulations noong 2014.
Sa ilalim aniya ng IRR, kasama ang lahat ng bilanggo sa maaaring makinabang sa GCTA dahilan kaya lahat ng convict.
Ulat ni Meanne Corvera