Pagdinig sa reklamong sedisyon laban sa ilang taga-oposisyon, itutuloy ngayong araw
Ipagpapatuloy ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa reklamong Inciting to Sedition laban sa ilang taga-oposisyon.
Inaasahan na ngayong araw magsusumite sa DOJ special panel of prosecutors ng kontra-salaysay ang mga respondents.
Nauna nang maghain ng counter affidavit noong nakaraang linggo si Vice President Leni Robredo.
Nagsumite na rin ng kontra salaysay nitong Huwebes sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Bam Aquino at senatorial candidate Samira Gutoc.
Una nang ibinasura ng DOJ special panel ang hirit ng ilan sa mga respondents na idiskwalipika bilang abogado ng PNP- CIDG ang Office of the Solicitor General.
Samantala, sarado sa mga motorista ang kahabaan ng Padre Faura.
Naglagay na ng barikada ang mga tauhan ng Manila Police District sa kanto ng Taft Avenue at Padre Faura.
Nakapwesto na rin ang ilang pulis at police truck sa lugar.
Ayon sa mga pulis, idineploy sila sa lugar dahil sa inaasahang pagpunta ng mga raliyista.
Ulat ni Moira Encina