Drug Lord nagbayad umano ng 1.5 milyong piso kapalit ng paglaya sa NBP
Nagbayad rin umano ang ilang mga convicted drug lords kaya napalaya sa New Bilibid Prison sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, umaabot sa 1.5 milyong piso ang ibinayad ng bawat isang druglords.
Nauna nang kinumpirma ng Bureau of Corrections (Bucor) na kasama sa listahan ng mga napalaya sa bisa ng GCTA law ang apat na Chinese nationals na nahatulan sa drug trafficking.
Batay na aniya ito sa mga testimonya ng kanilang hawak na testigo.
Sabi ni Sotto, anim hanggang walong bilanggo rin ang nagbayad ng tig-100,000 piso kapalit ng kanilang paglaya.
Bukod sa bayaran para sa paglaya, talamak rin umano ang lagayan sa ilang opisyal ng Bucor para hindi malipat ng minimum o maximum security compound dahil sa negosyo ng mga bilanggo.
Ulat ni Meanne Corvera