Water allocation sa Metro Manila, itinaas na sa 40 cubic meter per second – NWRB
Dahil bumalik na sa normal operating level ang antas ng tubig sa Angat dam, tinaasan na ang water allocation ng mga customers ng Maynilad at Manila Water.
Sa panayam ng programang Serbisyo ng Agila, sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David, mula sa 36 cubic meters per second noong mga nakalipas na buwan ay itinaas na nila sa 40 cubic meters per second ang alokasyon para sa Metro Manila.
Pero nilinaw ni David na hindi pa ito ang normal na alokasyon ibinibigay sa mga water concessionaires dahil nasa 46 cubic meters per second ang normal level na kanilang ibinibigay.
Paliwang ni David, nasa below normal pa rin ang lebel ng tubig sa Angat kaya nagdagdag lamang sila upang matantiya kung kakayanin ang ganitong alokasyon sa loob ng isang taon.
“Dahil nag-uulan ay may pinagkukuhanan tayo ng ibang tubig na nakakadagdag bukod sa Angat dam. Gaya ng Ipo at La Mesa dam kaya pag-naguulan po may mga tubig-ulan na pumupunta dyan kaya sa ngayon mapapansin natin na halos nag-improve na ang serbisyo ng tubig sa Metro Manila. Pero hindi pa rin natin masasabi na talagang normal na yung nararanasan natin at malakungbagay pa rin ang pagtitipid”.