Canada, nagbukas ng 2,000 trabaho para sa mga Pinoy
Ipinahayag ni Labor secretary Silvestre Bello III na nasa halos 2,000 trabaho ang binuksan para sa mga Filipino sa Yukon, Canada.
Ayon sa kalihim, lumagda siya sa isang Joint Communique kasama ang mga opisyal ng Yukon para sa deployment ng 2,000 skilled worker na mayroon pang opurtunidad na maisama sa nasabing bansa ang kanilang pamilya.
Ilan sa mga requirements para sa mga interesadong aplikante ay dapat bihasa sa pagsasalita ng Ingles, naaayon ang Job Degree, at pagsasanay, at physically at mentally fit.
Aabot aniya sa 80,000 hanggang 300,000 piso ang magiging suweldo.
Karamihan sa mga bakanteng posisyon na bubuksan sa mga Filipinong skilled worker ay Heavy equipment operator, Nurse, Cook, Chef, Engineer, Caregiver, Call center agent at iba pang lokal na oportunidad sa trabaho.
Kasabay nito ay inatasan na ng kalihim si Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang pabilisin ang deployment ng mga manggagawa sa Yukon, maging ang pagpo-proseso ng mga Overseas Employment Certificate (OEC) para sa mga magtatrabaho sa Vancouver at Toronto.
Ulat ni Madz Moratillo