Mga opisyal ng Bucor, pinagsusumite ng Senador ng kopya ng SALN sa nakalipas na anim na taon
Inatasan na ng Senado ang mga opisyal ng Bureau of Corrections na magsumite ng kopya ng kanilang Statement of Assets Liabilities at Networth mula noong 2013 hanggang ngayong taon.
Sa harap ito ng mga alegasyon hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale o panghihingi ng pera ng mga opisyal ng Bucor sa pamiyla ng mga bilanggo kapalit ng kanilang paglaya.
2013 nang maisabatas ang GCTA kung saan umabot na sa 1, 914 ang napalayang nahatulan sa heinous crime.
Nauna nang itinuro ng testigong si Yolanda Camelon sina Ramoncito Roque, hepe ng documents and records section ng Bucor at kasama nitong si Major Mabel Bansing na nanghingi ng 50,000 pesos kapalit ng paglaya ng kaniyang asawa.
Kasabay nito, hiniling ni Senador Risa Hontiveros na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal.
Ulat ni Meanne Corvera