Sinibak na dating over-all Deputy Ombudsman Melchor Carandang, hiniling sa Court of Appeals na maibalik siya sa puwesto
Nagpasaklolo sa Court of Appeals ang sinibak ng Malacañang na si overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Sa kanyang petition for review, hiniling ni Carandang sa CA na isantabi ang desisyon ng Office of the President na tanggalin siya sa posisyon.
Nanawagan din si Carandang sa Appellate Court na maibalik siya sa kanyang pwesto bilang overall Deputy Ombudsman.
Iginiit ni Carandang sa kanyang petisyon na walang Administrative Disciplinary jurisdiction ang Pangulo para siya ay sibakin sa pwesto.
Pinatawan ng palasyo ng dismissal sa serbisyo si Carandang dahil sa mga kasong Betrayal of Public Trust at katiwalian matapos na ihayag nito sa media na may hawak na bank records ang Ombudsman ukol sa
sinasabing nakaw na yaman ni Pangulong Duterte at ng pamilya nito.
Ulat ni Moira Encina