Hinihintay pa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang utos mula sa Korte kung maaring buksan at isapubliko ang laman ng mga phone numbers ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor).
Ito ang sagot ni DICT Secretary Gringo Honasan sa request ng Senado na suriin ang laman ng numero ng mga Bucor officials na sina Ramoncito Roque, Maribel Densing at Veronica Buno.
Ang tatlo ang itinuro ng testigong si Yolanda Camilon na pinagbigyan nya ng 50,000 pesos kapalit ng paglaya ng kaniyang asawa na si Godfrey Gamboa.
Katwiran ni Honasan, hindi nila maaring basta na lamang buksan ang detalye ng kanilang phone numbers hanggat hindi ipinag-uutos ng Korte dahil sa umiiral na Data Privacy act.
Ang Senado ang dapat na humiling at maghain ng petisyon sa Korte para mabuksan ang phone numbers ng mga opisyal.
May umiiral na Presumption of Innocence at dapat bigyan pa rin silang ng due process.
Ulat ni Meanne Corvera