PACC, dapat ng tumigil sa pag-iimbestiga tungkol sa GCTA – ayon sa Malakanyang
Naniniwala ang Malakanyang na hindi na dapat pang gumawa ng imbestigasyon ang Presidential Anti Corruption Commission o PACC tungkol sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo sapat na ang Ombudsman nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kontrobersiya.
Sinabi ni Panelo ang Ombudsman ang Constitutional body na may mandatong mag-imbestiga kaya dapat na itigil na ng alinmang ahensiya ang pagsisiyasat tungkol sa isyu ng GCTA.
Inihayag ni Panelo hindi na nangangailangan pang mag-isyu ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte para sabihan ang PACC na itigil na nito ang pag-iimbestiga.
Una nang nanawagan si Ombudsman Samuel Martirez sa PACC na kung maaari’y huwag nang magsagawa ng sarli nitong pagsisiyasat sa pangambang magkaruon ng tinatawag na “conflicting result” bukod pa sa ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa GCTA.
Ulat ni Vic Somintac