Apat na panibagong testigo ihaharap sa pagdinig ng Senado bukas

Apat na panibagong testigo ang ihaharap ng mga Senador bukas kaugnay ng imbestigasyon sa kontrobersyal na pagpapalaya sa mga convicted criminals sa New Bilibid Prison batay sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nilagdaan niya ang subpoena para paharapin ang mga ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon at Justice committee.

Sabi ni Sotto, patutunayan ng mga testigong ito talamak na raket at bentahan ng GCTA law kapalit ng kanilang paglaya.

Ayon kay senador Christopher Bong Go, isa sa apat na testigo dating opisyal ng Bucor.

Tumanggi muna si Go na pangalanan ang testigo pero nasa kustodiya na aniya ito ng Senado.

Sa senado na aniya ito magpapalipas ng gabi dahil na rin sa kaniyang seguridad.

Ang testigo aniya ay saksi sa iba’t ibang pagkakakitaan sa NBP kasama na ang nangyaring bentahan ng mga hospital pass.

Nauna nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na nababayad ng hanggang dalawang milyong piso ang mga bilanggo kapalit ng kanilang hospital pass.

Nagpapanggap aniya ang mga ito na maysakit para makalabas ng selda at sa ospital isagawa ang mga illegal drug trading.

Kinumpirma naman ni Sotto na may ugnayan  na sila sa DICT para malaman kung sino sino ang mga nakausap at nahingan ng pera ng mga Bucor officials.

Una nang hiniling ng Senado sa DICT na suriin ang laman ng phone numbers ng mga Bucor officials na sina Ramoncito Roque, Maribel Densing at Veronica Buno.

Ang tatlo ang itinuro ngtestigong si Yolanda Camilon na pinagbigyan niya ng 50,000 piso kapalit ng paglaya sana ng kaniyang asawa na si Godfrey Gamboa.

Ayon kay Sotto, pagkatapos ng pagdinig bukas maaring bumalangkas na ng partial report ang senado kasama na ang rekomrendasyon sa mga opisyal na posibleng kasuhan dahil sa anomalya sa Bucor.

Ulat ni Meanne Corvera








Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *