PNP, tiniyak na igagalang ang karapatan ng mga aarestuhing convicts na napalaya dahil sa GCTA Law
Umaabot na sa 230 ang mga boluntaryong sumukong mga convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Pero sinabi ni PNP spokesperson Brig.General Bernard Banac, hindi pa kasama dito ang nasa halos 50 mga convicts na dumerechong sumuko sa Bureau of Corrections (Bucor).
25 sa 230 mga sumukong convicts ang nai-turn-over na nila sa Bucor at karamihan dito ay inaayos pa ang biyahe sa pamamagitan ng land transport.
Sa September 19 na ang ika-15 araw na palugit na ibinigay ni Pangulong Duterte para sa mga convict na sumuko na kundi ay ituturing na silang mga pugante o takas sa batas.
Dahil dito, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Bucor upang makuha ang eksaktong address at mga pangalan ng mga convicts na ayaw sumuko upang masimulan na ang tracking operation.
Tiniyak naman ni Banac na igagalang pa rin mga pulis ang karapatan ng mga convicts at kung manlaban man at armado na ay kailangang gamitan din siya ng puwersa.
“Napakahalaga na igalang ang karapatan nila. They will be treated well by respect following the rules of engagement at rules of arrest ay gagawin ng mga pulis. May kasanayan ang ating pulis na training. so kung kailangan i-pito ay pito lang ang gagamitin depende sa levels of threats. Pero kapag na-resist at nanlaban na at may tangka na siyang manakit ay of course kailangang gamitan din siya ng puwersa”