Bawas singil sa kuryente ngayong buwan, bunga ng pagiging stable ng kuryente sa mga nakalipas na buwan
Nagkaroon ng 44 sentimos na bawas sa generation charge kaya sa limang magkasunod na buwan ay magkakaroroon uli ng bawas singil sa kuryente ngayong Setyembre.
Ayon kay Meralco Asst. Vice-President at Spokesperson Joe Zaldarriaga, bunga ito ng reduction naman ng net settlement surplus na iniutos ng Energy Regulatory Commission sa Philippine Electricity Marketing Corporation na siyang nangangasiwa sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Nakadagdag pa aniya sa pagbaba ng singil sa kuryente ang walang naitalang yellow at red alerts sa mga nakalipas na buwan kaya naging stable at mura ang presyo ng kuyente sa merkado.
Sa kabuuan aabot na aniya 1.52 sentimos ang ibinawas sa singil sa kuryente sa loob ng limang buwan na pinakamababa na sa nakalipas na 2 taon.
Pero hindi naman masabi sa ngayon ng Meralco official kung ang bawas singil sa kuryente ay mauulit pa sa mga susunod na buwan.
“Talagang gumanda lang ang overall supply situation at nagkataon pa may inutos na refund so naging mababa ang rates natin for this month”.