Resulta ng imbestigasyon ng Senado sa anumalya sa Bucor, pagbabatayan ng Malakanyang para pagulungin ang ulo ng mga sangkot na opisyal
Tiniyak ng Malakanyang na mayroong ulong gugulong sa mga opisyal ng Bureau of Corrections o Bucor na mapapatunayang sangkot sa anomalya.
Sa Press Briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hihintayin ng Malakanyang ang resulta ng inbestigasyon ng Senado sa mga katiwalian sa Bucor.
Ayon kay Panelo pananagutin ng Malakanyang ang mga opisyal ng Bucor na sangkot sa ibat-ibang katiwalian o money making operations sa loob ng pambansang piitan.
Batay sa tinatakbo ng inbestigasyon ng senado sa katiwalian sa Bucor kaugnay ng kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance law nakalkal pa ang iba pang iligal activities tulad ng patuloy na operasyon ng transaksyon sa ilegal na droga, hospital pass at prostitusyon.
Nauna ng pinatawan ng preventive suspencion ng Ombudsman ang 27 opisyal ng Bucor dahil sa paglakasangot sa katiwalian sa loob ng New Bilibid Prison.
Ulat ni Vic Somintac