11 BuCor officials na pinatay mula pa noong 2011 iniimbestigahan kung konektado sa korapsyon sa BuCor
Umaabot na sa 12 opisyal ng Bureau of Corrections ang napapatay mula pa noong 2011 dahil sa umano’y talamak na korapsyon sa National Penitentiary.
Ayon kay Atty Frederick Santos, head ng Legal division ng BuCor, iniimbestigahan nila ang kaso kung saan lumitaw na pawang riding in tandem ang mga suspek.
Isa lamang aniya sa mga suspek na pumatay sa isang prison guard noong 2014 ang nadakip at sumasailalim ngayon sa paglilitis.
Batay aniya sa salaysay nito, inutusan lamang siya para patayin ang naturang prison guard.
Kinumpirma naman ng DOJ sa pagdinig ng Senado na kanina, isang BuCor official ang sinaksak ng isang inmate.
Nababahala ang DOJ dahil lumalala na ang kaso ng pananambang at pagpatay sa mga Bucor officials pero ini imbestigahan na kung may kaugnayan sa nabunyag na korapsyon.
Noong nakaraang buwan lamang, tinambangan at pinatay si Ruperto Traya Jr. Administrative officer ng documents processing division ng Bucor.
Ulat ni Meanne Corvera