Mass vaccination vs polio, ilulunsad ng DOH
Nakatakdang maglunsad ng maramihang pagbabakuna ang Department of Health laban sa polio sa susunod na Linggo.
Kasunod ito ng muling pagkakaroon ng kaso ng polio sa bansa makalipas ang 19 na taon na pagiging polio free ng Pilipinas.
Dahil dito, hinimok ni Health Undersecretary Eric Domingo ang publiko na makiisa sa mass vaccination kontra polio.
Binigyang-diin ni Domingo na ang naturang bakuna ay napatunayan nang ligtas at epektibo.
Dagdag pa ni Usec. Domingo, nasa edad lima pababa ang karaniwang tinatamaan ng nasabing sakit.
Please follow and like us: