Ilan pang lugar sa Central Luzon, masusing binabantayan ng Department of Agriculture dahil sa posibleng apektado ng African Swine fever
Handa ang Department of Agriculture (DA) na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sakaling may hinihinala silang African swine fever sa kanilang mga nasasakupan.
Sa panayam ng programang “Breakfast on Board”, sinabi ni Agriculture secretary William Dar na ang mga LGU ang frontliner at dapat manguna sa pagmamasid sa mga kanayunan o mga barangay sa pamamagitan ng kanilang agricultural extension workers.
Sila ang dapat magbigay ng tamang impormasyon sa mga backyard hog raisers.
At sakaling may hinihinala silang ASF ay isangguni agad sa mga beterinaryo at agad namang aaksyon dito ang Agriculture Department.
Kasama ng DA ang Bureau of Animal Industry (BAI) na nagsisilbi namang mga quarantine officers.
Maliban sa mga lugar na natukoy na positibo sa African swine fever ay masusi ring binabantayan ng mga otoridad sa ngayon ang ilang lugar pa sa Central Luzon at mahigpit na ipinatutupad ang 1-7-10 protocol.
“Meron dito sa Central Luzon at mas pinaigting pa ang 1-7-10 protocol sa mga areas na ito so ito ay undergoing ang containment, they are going control and disinfection yung iba’t-ibang lugar”.