Manila Tricycle Regulatory Office, pinabubuwag na ni Mayor Isko Moreno
Pinabubuwag na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Tricycle Regulatory office (MTRO).
Sa ginawang flag raising ceremony kanina, inanunsyo ng alkalde na inatasan na niya si Vice-Mayor Honey Lacuna at konseho ng Maynila para i-abolish na ang MTRO.
Ayon kay Mayor Isko, ito ay dahil sa pagiging pasaway ng mga tricycle driver sa lungsod at isyu ng katiwalian sa loob ng MTRO.
May ilang tauhan aniya ng MTRO na nangongotong ng halos linggo-linggo, kaya ang mga tricycle driver ay bumibiyahe kahit sa lugar na hindi nila ruta.
Maraming tricycle aniya ang bumibiyahe sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.
Bagamat hindi bawal, apila ng alkalde ay kaunting disiplina naman dahil marami aniya ang napeperwisyo.
Ulat ni Madz Moratillo