Mabini street sa Malate, Maynila, pansamantalang isinara sa trapiko matapos gumuho ang gusali ng Sogo hotel
Sarado na sa trapiko ang Mabini street sa Malate, Maynila para sa isinasagawang search and rescue operations sa gumuhong motel sa lugar.
Gumamit na ng crane ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection para mapasok ang gusali at masagip ang mga naipit sa loob sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na may ilang empleyado na naipit sa gumuhong gusali ng Sogo hotel.
Sa inisyal na ulat naman ng Manila Police District, dalawang manggagawa ang sinisikap na masagip ng mga rescuers.
Nangyari ang aksidente bandang alas-9:30 ng umaga habang ginigiba ang gusali.
Partikular na gumuho ay ang ang mga poste at konkreto sa may bandang gitna at tagiliran ng ikalawang palapag batay sa demolition permit sa entrada ng gusali,
May isang buwan nang dinidemolish ang motel.
Isa ang kumpirmadong sugatan at dinala na sa ospital.
Wala namang debris na nahulog mula sa gusali. pansamantalang ipinasara na rin ni Moreno ang kabilang bahagi ng motel sa Mother Ignacia street.
Ulat ni Moira Encina