Dalawa, patay, isa sugatan sa pagguho ng isang hotel sa Maynila
Dalawa ang kumpirmadong patay at isa ang sugatan matapos gumuho ang gusali ng Sogo hotel sa Malate, Maynila.
Naipit sa loob ng gusali ang dalawang construction worker na kinilalang sina Melo Ison at Jerome Fabello.
Nagawa namang tumalon ng isa pang manggagagawa na si Edson Ison habang gumuguho ang gusali at naisugod agad sa opistal.
Pero nahirapan ang mga rescuers sa pagtunton sa dalawang biktima na na-trap sa gusali.
Gumamit na ng crane at droe camera ang mga tauhan ng Buerau of Fire Procetion at iba pang rescuers para masagip ang mga biktima.
Bandang alas-3:00 na ng hapon nang makuha ng mga rescuers ang bangkay ni Melo Ison at tuluyan itong maibaba para madala sa ospital.
Ngunit wala na itong buhay nang matunton ng mga rescuers.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Mayor Isko Moreno sa pamilya ng mga nasawi.
Ipinag-utos na rin ni Moreno sa City Engineering office ang pagre-assess sa stability ng nalalabing bahagi ng gusali.
Ipinasara na rin pansamantala ni Moreno ang kabilang bahagi ng Sogo hotel sa Mother Ignacia street.
Nagsara na rin ang ilang establisimyento malapit sa gumuhong gusali at hindi na rin pinadaanan s amga motorista ang Mabini street dahil sa insidente.
Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente para malaman kung sino and dapat managot sa pangyayari.
Ulat ni Moira Encina