Panukalang mandatory immunization program, isinusulong sa Senado
Nais ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla na gawing mandatory ang Immunization program ng gobyerno.
Sa harap ito ng panibagong kaso ng polio sa Pilipinas at paglobo ng bilang ng mga batang nagkakaroon ng tigdas at diphtheria.
Sa Senate Bill 662 ni Revilla, nais nitong paamyedahan ang Republic Act 10152, o ang “Mandatory infants and children health Immunization Act of 2011.
Sa datos kasi aniya ng Unicef, tinatayang nasa 2.9 milyong mga batang Pinoy ang hindi pa nababakunahan at hindi ligtas sa sakit tulad ng measles, rubella at polio.
Sa kasalukuyang batas, ang mga bata lang ang nabibigyan ng libreng bakuna pero sa panukala ni Revilla, nais nitong isama pati ang mga ina.
Sakaling maamyendahan ang batas, gagawin na ring libre sa mga Health centers at pampublikong ospital ang mga bakuna sa Rotavirus, Japanese Encephalitis Pneumococcal Conjugate vaccine at Human Papilloma virus.
Ulat ni Meanne Corvera