Dagdag na buwis sa mga alcohol at heated tobacco products, aprubado na sa Committee level ng Senado
Inaprubahan na ng Senate Committee on Ways and Means ang panukalang batas na itaas ang buwis sa alcohol products at mga heated tobacco products tulad ng vape at e-cigarettes.
Inendorso na ni Senador Pia Cayetano ang Committee Report no. 6 o Senate Bill 1074 sa plenaryo ng Senado na pirmado na ng 11 Senador.
Ayon kay Cayetano, Chairman ng ways and means committee. ikinunsidera nila sa pagpapatibay ng panukala ang report ng World Health Organization (WHO) na sa 100,000 mga Filipino, halos 4,500 sa mga ito ang may liver cirrhosis, mahigit 16,000 ang hypertensive at may tuberculosis dahil sa sobrang pag inom ng alak.
Senador Cayetano:
“Mr. President, there is glaring evidence that excessive alcohol use endangers people’s health. Alcoholism is associated with at least 39 main diseases, including liver cirrhosis, cancer, pancreatic disease, hypertensive disease, tuberculosis, diabetes, and even behavioral and psychotic disorders”.
Sa datos aniya sa mga miyembo ng Asean countries ang Pilipinas ang Global champion sa inuman dahil sa napakamurang halaga ng mga alcohol products na nagreresulta na ng krimen at mga aksidente sa lansangan.
“Excessive drinking is a common cause of road crashes from 2016-2018, there has been a total of 10,372 road crashes due to alcohol consumption.
Nowadays, we talk about drug addiction as we would any other serious disease. yet, how many of us talk about alcoholism in the same way”?
Sa inaprubahang panukala, aamyendahan nito ang National Revenue Code of 1997 para baguhin ang buwis sa mga alcohol at ilang tobacco products.
Kung maaprubahan epektibo na sa unang araw ng Enero ng 2020, tataas pa ng limang porsyento kada taon ang mga e -cigarettes at 10 percent ang mga alcohol.
Sabi ng Senador kung maaprubahan aabot sa 40 hanggang 50 billion pesos ang tinatayang makokolekta ng gobyerno.
Ang pondo ilalaan sa pampagamot sa mga mahihirap na mamaayan sa ilalim ng Universal Health Care law.
Ulat ni Meanne Corvera