Bodega ng isang mall sa Quezon Avenue, nasunog; 100,000 halaga napinsala
Nilamon ng apoy ang stock room area ng Fishermall sa Quezon Avenue kagabi.
Nagsimula ang sunog bandang alas-11:30 ng gabi at agad na inakyat sa ikatlong alarma ang sunog dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.
Ayon sa mga trabahador na nasa lugar, bigla silang may nadinig na pumutok sa loob at matapos nito dito na sumiklab ang apoy.
Sa ininsyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) naglalaman ng mga karton ang receiving area kung saan nagsimula ang apoy.
Tinitingnan namang sanhi ng sunog ang pagpuputol ng bakal at pagwe-welding ng ilang construction workers.
Ayon kay Inspector Joseph del Mundo, chief operations ng BFP Quezon city, aabot naman sa 100,000 piso ang halaga ng pinsala.
Isang fire officer naman ang isinugod sa ospital dahil sa suffocation.
Ulat ni Earlo Bringas