Malakanyang, nagbabala sa mga tsuper at operators ng pampublikong sasakyan na babawian sila ng prangkisa kapag naging mapangahas sa kanilang kilos protesta
Hindi pipigilan ng Malakanyang ang mga tsuper ng mga pampublikog sasakyan na sumali sa nationwide transport strike.
Gayunman pinapayuhan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mga tsuper na gawing mapayapa ang kanilang protesta at iwasang gumawa ng marahas na bagay na magdudulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko.
Ayon kay Panelo hindi mangingimi ang gobyerno na ipatupad ang batas at mga regulasyon sa mga lalabag tulad ng pagkansela sa kanilang mga prebilehiyo o prangkisa o certificate of public convenience.
Iginiit ni Panelo na long overdue na ang pagpapatupad ng modernization ng public transport system kaya hindi mapipigilan ng mga ganitong protesta ang administrasyong Duterte na gawin ang nararapat na pagbanago.
Kaugnay nito inatasan ng Malakanyang ang concerned government agencies na pakilusin ang joint quick response team on transportation para ayudahan ang mga pasahero na posibleng ma stranded o maapektuhan ng mga kilos protesta.
Ulat ni Vic Somintac