Panukalang pagpapaliban sa Barangay elections, aprubado na ng Senado
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang ipagpaliban ang nakatakdang Barangay elections sa May 2020.
Dalawampu’t isang Senador ang bomoto pabor nang isalang sa botohan sa plenaryo ang panukalang batas.
Sa pinagtibay na panukala sa halip na sa Mayo, ililipat na sa December 2022 ang Barangay elections.
Regular na rin ang gagawing Baraggay at Sangguniang Kabataan elections tuwing ikatlong taon.
Kung lalagdaan ng Pangulo at magiging batas, magkakaroon ng dalawang eleksyon sa 2022.
Ito ay ang Presidential elections sa May 2022 at Barangay elections sa Disyembre.
Ayon kay Senador Imee Marcos, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms, sapat na ang mahigit anim na buwan mula Mayo hanggang Disyembre para makapaghanda ang Comelec.
Sa ngayon, isinusulong ni Senador Ralph Recto ang panukalang mabigyan ng anim na taong termino ang mga Barangay officials para matigil na ang practice na madalas na pagpapaliban ng Barangay elections.
Sa datos ng Senado, mula noong 1988 anim na beses nang na postponed.
Ulat ni Meanne Corvera