Kopya ng panukalang Budget na pinagtibay ng Kamara naisumite na sa Senado
Hawak na ng Senate Finance Committee ang panukalang 2020 General Appropriations Bill na pinagtibay ng Kamara.
Ayon kay Senador Sonny Angara, natanggap na nila ang kopya ng 4.1 trillion pesos budget kahapon na isinumite sa Bills and Index ng Senado.
Kinukumpleto na lang aniya nila ang paghimay sa pondo ng bawat Departamento bago i-consolidate sa detalye ng pondong inaprubahan sa Sub-Committees ng Senado saka ikukumpara sa bersyon ng Kamara.
Ngayong araw ang huling sesyon ng dalwang kapulungan para sa isang buwang break pero sabi ni Angara magtatrabaho ang Finance committee kahit nakabakasyon para ikumpara ito sa bersyon ng Mababang Kapulungan.
Target kasi ng Senado na bumalangkas na ng Committee report para maisumite ito sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon sa November 4.
Kung masusunod ang schedule ng Senado at walang magiging aberya, maaaring maisumite ito para sa lagda ng Pangulo bago matapos ang Disyembre.
Senador Angara:
“Our finance subcommittees are completing the hearings on the proposed budgets of the last few agencies. During the break, we will be consolidating all of the submissions into the committee report and once we resume sessions, we will be ready to sponsor the bill in plenary. The Senate will work overtime to approve this most important piece of legislation so that the measure will be with the President for signing before the end of the year”.
Ulat ni Meanne Corvera