Mga kumpanya ng langis, pagpapaliwanagin ng Department of Energy kaugnay ng oil price adjustment
Pinagpapaliwanag ng Department of Energy o DOE ang mga kumpanya ng langis dahil sa pagpapataw ng mas mataas na presyo ng produktong petrolyo nuong isang linggo.
Matatandaang nuong isang linggo nagkaroon ng P2.35 per liter na price adjustment sa gasolina habang P1.80 kada litro ang itinaas sa diesel dahil sa nangyaring drone attack sa Saudi Arabia oil facilities nuong isang buwan.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido pinadalhan na nila ng show cause order ang ibat ibang kumpanya ng langis at pinagpapaliwanag kung bakit kulang ang ipinatupad nilang bawas-presyo sa petrolyo ngayong linggo.
Ayon kay Pulido mas mataas ng 22 centavos ang itinaas ng mga oil campanies sa gasolina habang .06 naman sa presyo ng diesel.
Inihayag ni Pulido maging ang mga LPG retailers ay pinagpapaliwanag din ng DOE dahil mas mababa naman ang ipinatupad nilang increase kumpara sa sinabi nilang taas presyo sa LPG sa world market.
Tatlong araw ang ibinigay na taning ng DOE para sa ibat ibang kumpanya ng langis upang magpaliwanag at kung mabibigo ang mga ito ay maaari silang maharap sa kasong administratibo at posibleng matanggalan ng kanilang Certificates of Compliance.
Ulat ni Vic Somintac