Mga kumpanya ng langis, mahaharap sa kasong administratibo kapag hindi maipaliwanag ang ginawang price adjustment ng produktong petrolyo
Pinadalhan na ng Department of Energy o DOE ng showcause order ang mga kumpanya ng langis para magpaliwanag sa ginawang oil price adjustment sa maglasunod na dalawang linggo.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido na tatlong araw lamang na palugit na ibinibigay ng gobyerno sa mga kumpanya ng langis para magpaliwanag.
Ayon kay Pulido kapag mabigo ang mga kumpanya ng langis na ipaliwanag ang kanilang ginawang price adjustment mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo na may katapat na parusang pagkansela sa kanilang certificate of compliance na kailangan para makapag-operate ng kanilang negosyo.
Kinukuwestiyo ng DOE ang mahigit dalawang pisong price increase sa kada litro ng gasolina at mahigit pisong taas sa kada litro ng diesel gayundin ang mahigit pisong price rollback sa kada litro ng gasolina at 80 centavos na tapyas sa kada litro ng diesel.
Naniniwala ang DOE na hindi sinusunod ng mga kumpanya ng langis ang tamang adjustment sa presyuhan ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac