Kaso ng Mental Health problems sa bansa, tumataas
Ginugunita ngayon ang pagsapit ng National Mental Health week na magtatapos sa Oktubre 12.
Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 452, na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1994.
Kaalinsabay din ito sa pagdiriwang ng World Mental Health day sa Oktubre 10.
Sa datos ng Department of Health (DOH), may 3.3 milyong mga Filipino ang dumaranas ng depressive disorders.
Sa datos naman ng World Health Organization o WHO, isa sa apat na tao sa buong daigdig ay nakaranas ng Mental o Neurological disorders minsan sa kanilang buhay.
Ayon sa WHO, kabilang sa mga mental health problems na nararanasan ng isang indibidwal ay Depression, Bipolar Affective Disorder, Schizophrenia, Psychosis, Dementia, Developmental Disorders na dito ay kabilang ang Autism.
Sa mga pag aaral ng WHO, may significant impact sa kalusugan at major social, human rights at economic consequences ang mental health problems sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Ulat ni Belle Surara