Isang bagyo, inaasahang papasok sa PAR sa Miyerkules o Huwebes
Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na Hagibis.
Ayon sa Pagasa, nasa ‘typhoon’ category na ito taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran-hilagang-kanluran at posibleng pumasok ng PAR sa Miyerkules o Huwebes.
Ayon kay Pagasa weather specialist Loriedin Dela Cruz, mababa ang tyansa na mag-land fall ang bagyo at posibleng dumaan lang ito sa boundary ng PAR.
Samantala, nakakaapekto ngayon sa Eastern section ng bansa ang hangin mula sa dagat-pacifico o Easterlies.
Sa Metro Manila at halos kabuuan ng bansa, maalinsangang panahon ang inaasahan na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.