Pangulong Duterte kuntento sa ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa hazing incident sa PMA
Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa hazing incident sa loob ng Philippine Military Academy na ikinamatay ni PMA cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Ayon sa Pangulo kasalukuyan nang gumugulong ang imbestigasyon ng kapulisan pati na ang Armed Forces of the Philippines.
Nasa kamay umano ng AFP ang usaping administratibo habang nasa prosecution at piskal na ang kaso sa aspetong kriminal.
Iginiit ng commander in chief na wala siya rason para pagdudahan ang intigridad ng ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan.
Magugunitang apat na indibidwal na upper classmen ni Dormitorio ang nakasuhan sa pagkamatay ng naturang kadete.
Una nang tiniyak ng Malakanyang na walang mangyayaring cover up sa naganap na hazing incident sa loob ng PMA.
Ulat ni Vic Somintac