PNP Chief Oscar Albayalde ipinapasailalim sa lifestyle check
Nais ni Senador Richard Gordon na isailalim sa lifestyle check si PNP Chief Director General Oscar Albayalde kasama ang 13 pulis na kinasuhan ng recycling ng illegal drugs.
Ayon kay Gordon, kahit walang pa silang nakakalap na ebidensya na mag-uugnay kay Albayalde, malinaw na paglabag sa batas ng ginawa nitong pang-aarbor para hindi maipatupad ang dismissal laban sa kaniyang mga dating tauhan.
Nauna nang inamin ni PDEA Director Aaron Aquino na tinawagan siya ni Albayalde noon para pigilan ang pagpapadismiss sa 13 pulis na kinasuhan dahil sa agaw bato.
Nag-ugat ang imbestigasyon laban sa 13 pulis na pinamumunuan ni Major Rodney Baloyo dahil sabay-sabay na bumili ng SUV ilang araw matapos ang kanilang anti-drug operations sa Pampanga.
Sinabi ni Gordon na marami pang tanong na dapat sagutin si Albayalde.
Kabilang na rito ang isyu na hindi umapila si Albayalde nang sibakin sya sa puwesto at inilagay sa floating status matapos ang kaso noon laban sa mga tauhan.
Ulat ni Meanne Corvera