Budget ng DOH sa advertisement ipinalilipat sa pondo para sa bakuna
Ipinalilipat ni Senador Sonny Angara ang 650 million pesos na pondo ng Department of Health (DOH) sa advertising para pondohan ang immunization program ng gobyerno.
Sa harap ito ng outbreak ng ibat-ibang sakit tulad ng dengue, polio, diptheria at ang pinakahuli ay meningococcemia.
Sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na sa pondo ng DOH para sa 2020, 7.54 billion dito ay nakalaan na para sa National Immunization program.
Kung hindi aniya ito sasapat dahil sa outbreak ng mga sakit, maaari naman aniyang mag-realign ng pondo ang Senado mula sa pondo ng DOH tulad ng pondo para sa information campaign.
Aprubado na sa Committee level ng Senado ang 160 billion pesos na pondo ng DOH para s 2020 pero sabi ni Angara maari pa itong galawin oras na isalang ito sa deliberasyon sa plenaryo.
Ulat ni Meanne Corvera