DOJ bumuo ng Special Panel of Prosecutors para muling imbestigahan ang mga tinaguriang Ninja Cops

Bumuo na ang DOJ ng Special Panel of Prosecutors na muling mag-iimbestiga sa kaso ng mga tinaguriang ‘Ninja cops.’

Sa Department order 528 na may lagda ni Justice Secretary Menardo Guevarra, itinalaga si Senior Assistant State Prosecutor Alexander Suarez at Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Gino Paolo Santiago bilang miyembro ng panel.

Inatasan ni Guevarra ang tatlong piskal na agad muling magpatawag ng mga pagdinig at tumanggap ng mga panibagong ebidensya kaugnay sa isinampang kaso noon ng PNP-CIDG laban sa grupo ni Police Major Rodney Baloyo IV.


Iniutos din sa panel na resolbahin sa loob ng 30 araw ang kaso at kung may sapat na ebidensya ay ipinagutos na isampa sa kaukulang Korte ang kaso.

Ang grupo ni Baloyo ay sangkot sa kontrobersyal na anti-drug raid sa Pampanga noong 2013.

Sinasabing pinatakas nina Baloyo ang drug lord na si Johnson Lee sa nasabing raid kapalit ng 50 million pesos at mahigit 100 kilo ng shabu.

Ipinagharap sila noon ng CIDG sa DOJ ng mga reklamong misappropriation, planting of evidence at custody and disposition of evidence sa ilalim ng comprehensive dangerous drugs act na kalaunan ay ibinasura.

Una nang sinabi ni Guevarra na nakabinbin mula pa noong 2017 sa DOJ ang automatic review sa kaso laban kina Baloyo.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *