Higit 500 illegal foreign workers kabilang ang mga Chinese nationals, arestado sa Parañaque city
Mahigit 500 foreign nationals ang inaresto ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa isinagawang raid sa MIA Road, Parañaque city kagabi.
Kabuuang 524 mga dayuhan at 424 Chinese Nationals ang natuklasan ng mga otoridad na pawang may mga kinakaharap na kasong Telecommunication fraud sa China.
Kasama ring naaresto ang 90 iba pa na mga Vietnamese, Malaysian at Taiwanese.
Ayon kay NCRPO Chief General Guillermo Eleazar, walang working permit ang mga Chinese nationals at ikinukunsiderang kanselado ang kanilang mga pasaporte kaya sila ay maituturing na mga undocumented aliens.
Bago isagawa ang operasyon, nakipag-uganayan muna ang NCRPO sa Bureau of Immigration kasunod ng sumbong ng Chinese embassy ukol sa kasong kinakaharap ng mga mamamayan nilang naaresto.
Paliwanag pa ni Eleazar, may influx ng mga Chinese nationals sa bansa dahil sa mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).
Ulat ni Earlo Bringas