PNP Chief hinimok na maagang magretiro para isalba pa ang PNP sa matinding kahihiyan
Muling hinikayat ni Senate minority leader Franklin Drilon si PNP chief Oscar Albayalde na agahan na ang pagreretiro at huwag nang hintayin ang November 8 na takdang retirement date nito.
Ayon kay Drilon, mas mabuti itong hakbang para maisalba pa ni Albayalde ang Philippine National Police bilang institusyon.
Kailangan aniyang maibangon ang integridad ng pambansang pulisya at maibalik ang tiwala rito ng publiko.
Pwede naman umanong magbitiw o magretiro ito nang maaga kahit walang inaaming kasalanan.
Kailangan na umano itong gawin dahil naapektuhan na ang kredibilidad ng PNP at ang Drug war ng administrasyon dahil iniugnay sa Ninja cops at inaakusahan pa ng cover up ang pinaka-namumuno sa pulisya.
Ulat ni Meanne Corvera