Chief Justice Lucas Bersamin, ginawaran ng arrival honors sa kaniyang huling Flag raising ceremony bilang Punong Mahistrado
Ginawaran ng PNP Honor guards ng Arrival honors si Chief Justice Lucas Bersamin sa kanyang huling Flag raising ceremony sa Korte Suprema.
Nakatakdang magretiro si Bersamin sa October 17 sa pagsapit niya sa kanyang ik-70 kaarawan.
Si Bersamin ang ika -25 Punong mahistrado ng SC.
Matapos ang arrival honors sa labas ng Supreme Court ay nagtungo na si Bersamin sa SC Quadrangle para daluhan ang kanyang huling Flag raising ceremony.
Sinalubong siya ng palakpakan at hiyawan ng mga opisyal at kawani ng Korte Suprema.
Present din sa seremonya ang 13 mahistrado ng Supreme Court.
Binigyan naman si Bersamin ng Plaque of Appreciation ng mga empleyado ng SC.
Inilatag din ang pulang carpet sa quadrangle bilang pagpupugay kay Bersamin.
Naglagay din ng malaking tarpaulin sa facade ng gusali ng Korte Suprema na may larawan ni Bersamin at nakasulat ang “Thank You Chief Justice Lucas Bersamin”.
Ikinabit din ang mga asul na lobo sa gate ng Supreme Court.
Isinara naman pansamantala ang bahagi ng Padre Faura dahil sa isinagawang arrival honors.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Bersamin ang mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema.
Sinabi rin niya na wala siyang regrets sa pagreretiro at dama niya ang deep sense of personal satisfaction.
Hinimok din niya ang mga kawani na maging loyal sa Hudikatura.
Nais ni Bersamin na makilala siya bilang healing Chief Justice.
Ulat ni Moira Encina