Mga bumabatikos sa matinding trapiko sa Metro Manila, hinamon ng Malakanyang na magbigay ng solusyon
Hinamon ng Malakanyang ang mga bumabatikos at nagrereklamo sa malalang problema ng trapiko sa Metro Manila na tumulong na lang sa paghahanap ng solusyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa halip na puro batikos at reklamo magbigay na lang ng suhestiyon sa gobyerno kung papaano malulutas ang problema sa trapiko.
Ayon kay Panelo aminado ang pamahalaan na talagang may krisis sa trapiko partikular sa Metro Manila na nakakaapekto na sa pang-araw-araw na aktibidad ng mga mamamayan.
Inihayag ni Panelo na hindi ito pinababayaan ng Duterte administration ang problema dahil patuloy na sinisikap ng gobyerno na masulusyunan ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga karagdagang daanan tulad ng skyway at iba pang inpraistratura na magpapagaan ng daloy ng trapiko.
Ulat ni Vic Somintac