Pagkain ng street foods, hindi sanhi ng Hepatitis-A, ayon sa mga eksperto
Maingat na ang marami nating mga kababayan pagdating sa pagkain.
Tinitiyak nila na ito ay malinis at hindi magiging sanhi ng karamdaman.
Ayon kay Dra. Leny Soriano ng New Era General Hospital, taliwas sa paniniwala ng maraming tao na ang pagkain ng street foods ay maaaring maging sanhi ng sakit tulad ng Hepa-A pero ito ay walang katotohanan.
Ayon pa kay Dra. Soriano, ilan sa sintomas ng Hepa-A, ang pagkakaroon ng lagnat, pakiramdam na naduduwal, pagod, masakit na tiyan at kasu-kasuan, pag-iiba sa dumi, kawalan ng gana sa pagkain, paninilaw ng mata at balat, at matinding kati sa katawan.
Payo ni Dra. Soriano, upang maiwasan ang naturang sakit regular na maghugas ng kamay at maging maingat sa paghahain ng pagkain.
Kapag nakaranas ng sintomas ng Hepa-A, nanawagan si Dra. Soriano na magpatingin sa doktor.
Ulat ni Belle Surara