Pangulong Rodrigo Duterte, pinatitiyak sa mga Power Generation Companies na mag-produce ng clean energy sa bansa
Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Energy o DOE at Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga power generation company sa bansa.
Ito ay para malaman kung nakasusunod ba ang mga ito sa batas, mga regulasyon at polisiya ng gobyerno.
Nais ni Pangulong Duterte na malinis na enerhiya ang mai-produce ng mga energy company.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa switch on ceremony ng San Buenaventura Power Limited Company na 500 megawatt coal fired power plant sa Taguig City.
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na mamuhunan sa industriya ng malinis na enerhiya sa bansa.
Ayon sa Pangulo malaking tulong ito para madagdagan ang power supply sa bansa.
Tiniyak ng Pangulo makaaasa ang mga negosyante na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang kanilang negosyo at maging mas epektibo ang kanilang business strategies basta isusulong lamang ang proteksiyon ng kalikasan at ng komunidad.
Ulat ni Vic Somintac