Korte Suprema, natanggap na ang appointment papers ni Justice Diosdado Peralta bilang bagong Punonng Mahistrado
Inanunsyo ng Korte Suprema na itinalaga ni Pangulong Duterte si Associate Justice Diosdado Peralta bilang bagong Punong Mahistrado.
Ayon kay Supreme Court spokesman Atty Brian Keith Hosaka, natanggap na ng Korte Suprema ang appointment papers ni Peralta mula sa Malacañang.
Pinalitan ni Peralta si Chief Justice Lucas Brsamin na nagretiro noong Otober 18.
Si Peralta ang ika -26 na Chief Justice ng Supreme Court.
Magsisilbi siyang Punong Mahistrado hanggang sa March 27, 2022 pagsapit niya sa edad na 70 taong gulang.
Si Peralta ang nagsulat ng kontrobersyal na desisyon ng Supreme Court na pumabor sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.
Nahirang bilang Associate Justice ng Korte Suprema si Peralta noong 2009.
Bago sa Supreme Court, naging Presiding justice at mahistrado si Peralta ng Sandiganbayan.
Tubong Laoag city, Ilocos Norte si Peralta na nagtapos ng abogasya sa 1st College of Law.
Nagsilbi rin siyang piskal sa Manila Prosecutors Office at pagkatapos ay hukom sa Quezon City RTC.
Nakilala rin siya bilang guillotine judge ng Mababang hukuman.
Ulat ni Moira Encina