Price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity, ipinaalala ng DTI
Mahigpit ang paalala ng Department of Trade and Industry sa umiiral na price freeze sa mga lugar na deklaradong nasa State of Calamity.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na umiiral ang price freeze sa loob ng 60 araw.
Sakop ng freeze ang mga pangunahing bilihin.
Batay sa isinasaad ng Republic Act 7581, kabilang sa mga itinuturing na basic necessities na hindi pwedeng galawin ang presyo ay ang: mga bigas, mais, tinapay, dried o canned fish gaya ng sardinas, poultry products, itlog, gatas, gulay, kape, asukal, mantika, asin, sabon, uling, kandila, gamot, tubig, prutas, at noodles.
Habang maaari lamang mafreeze ang presyo ng lpg at kerosene sa loob ng 15 araw.
Ang paalala ay ginawa ng DTI kasunod ng 6.6 magnitude na lindol na tumama sa ilang lugar sa Mindanao.
Ulat ni Madz Moratillo