Iglesia ni Cristo, nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Philippine Arena sa Bulacan
Isinagawa ang Medical at Dental mission ng Iglesia ni Cristo sa Victoria tent sa Philippine Arena.
Ang pagbibigay ng libreng serbisyong medikal at dental ay bahagi ng Worldwide Lingap sa Mamamayan ng Iglesia ni Cristo kasabay ng pagdiriwang ng karaawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Ayon kay Dr. Sergie Santos, isa sa mga Ministro ng INC at Director ng Felix Y. Manalo Foundation, espesyal ang malaking aktibidad na ito ng INC dahil kasabay nito ang pagdiriwang ng kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan.
Aniya, ang kaarawan ng Kapatid na Eduardo ay nakatuon sa pagbibigay ng ibat- ibang serbisyo mula sa Tanggapang Pangkalahatan, New Era General Hospital kasama ang ibat- ibang Media Bureau at lahat ng mga kawani.
Binigyang-diin ni Dr. Serge na masaya ang lahat na nakipagkaisa sa maghapong aktibidad.
Hindi naman alintana ng mga doktor at medical staff ang pagod sa dami ng mga nagpagamot dahil masaya sila sa pakikipagkaisa sa malaking aktibidad na ito lalo’t kasabay ng kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan.
Ayon kay Dr. Roelito Bertubin, Training Officer ng New Era General hospital, in high spirit ang mga doktor at medical staff katuwang ang iba pang volunteer doctors sa pagbibigay ng serbisyong may puso at pagmamahal sa ating mga kababayan.
Taos puso namang nagpapasalamat ang ating mga kababayan na napagkalooban ng medical at dental assistance ng INC kasabay ng kanilang masayang pagbati sa kaarawan ng Kapatid na Eduardo.
Panalangin nila na patuloy pa ang mga ganitong pagtulong ng INC hindi lang sa mga miyembro nito kundi maging sa iba pa bating mga kababayan sa buong bansa at maging sa buong mundo.
Ulat ni Eden Santos