Pangulong Rodrigo Duterte handang tanggalin ang 20-Billion “parked” projects sa 2020 national budget na sinasabi ni Senador Panfilo Lacson
Hindi palalagpasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang kwestiyonableng items na nakapaloob sa proposed 2020 national budget.
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mayroong 20-Billion pesos na “parked” projects, o iyong mga pondo na walang partikular na detalye kung saan mapupunta o kailan magagamit.
Nakalagay lang umano ito sa ilalim ng Department of Interior and Local Government at Department of Public Works and Highways.
Hinamon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si Senador Lacson na tukuyin kung alin-alin ang items na ito.
Inihayag ni Panelo na tatanggalin ni Pangulong Duterte ang mga ito sa budget.
Matatandaang alinsunod sa batas may line-veto power ang Pangulo ng bansa pagdating sa pagapruba ng proposed national budget kung saan maaari niyang tapyasan ang pambansang pondo bago ito maging isang ganap na batas.
Matatandaang ang 2019 budget nasa 95.3 billion pesos ang vineto ng Pangulo kabilang na ang mga sinasabing isiningit ng mga mambabatas na pondo sa ilalim ng DPWH.
Ulat ni Vic Somintac