DOJ, itinuloy ang pagdinig sa ikaapat na batch ng Dengvaxia case

Itinuloy ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa 4th batch ng mga kaso kaugnay sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa pagdinig, binigyan ng pagkakataon ng DOJ Panel of Prosecutors ang ilang respondents na wala pang kontra salaysay na nakapagsumite hanggang Biyernes.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta, ang fourth batch ng Dengvaxia case ay binubuo ng 12 kaso ng mga namatay na bata at isang Dengvaxia survivor.

Nabakunahan aniya ang mga bata ng Anti- Dengue vaccine sa panahon ni dating Health Secretary  Janette Garin at incumbent Secretary Francisco Duque III.

Mga reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at mga paglabag sa Anti Torture at Consumer Protection Act ang inihain laban sa mga respondents.

Kabilang sa kinasuhan sina Garin, Duque, mga opisyal ng DOH, Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Umaasa naman si Acosta na mapabilis na ang resolusyon  ng DOJ sa second at third batch ng Dengvaxia case at maisampa na ito sa korte.

Tiniyak naman anya ng DOJ panel sa 4thh batch na bago matapos ang Disyembre ngayong taon ay mailalabas na nila ang resolusyon sa kaso.

Nakatakda namang maghain ang PAO ng mga panibagong Dengvaxia cases sa DOJ.

Ulat ni Moira Encina


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *