DFA maghahain ng diplomatic protest laban sa China kaugnay ng ginawang flare warning sa mga maritime patrol ng Pilipinas

Maghahain na ng panibagong Diplomatic Protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China.

Kaugnay ito ng pagpapaputok ng baril ng mga sundalo ng China bilang babala sa Philippine Military Aircraft na nagpapatrulya sa West Philippine Ssea.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin maghahain sila ng protesta oras na kumpirmahin ng National Intelligence Coordinating Agency ang impormasyon.

Mga sundalo lang daw ang dapat pagtiwalaan dahil ayon sa kalihim maaaring magsinungaling ang mga sibilyan.

Pero nauna nang kinumpirma ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Reuben Basiao sa pagdinig ng Kamara na mula January hanggang June 2019 umabot sa anim na beses ang kaso ng pagpapaputok ng mga Chinese research vessel sa lugar.

Nagdeploy na rin aniya ng 17 sasakyang pandagat ang China sa West Philippine Sea para pigilan ang patrol operations ng mga sundalo ng Pilipinas.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *