Nawalang kita sa hog industry dahil sa ASF umaabot na sa tatlong bilyon

Tinatayang nasa 3 bilyong piso na ang nalulugi sa pork industry ng bansa magmula ng pumutok ang isyu sa African Swine Fever nitong nagdaang buwan ng Agosto. 

Sa economic press briefing sa Malakanyang, inihayag ni  Department of Agriculture  Crisis Management Team on ASF Reildrin Morales na ang datos ay  base na rin sa naging quotation ng ilang mga negosyante na karaniwan  nakakabenta ng tatlong libong babaoy kada araw.

Ayon kay Morales kung ang isang baboy ay naibebenta ng sampung libo, lalabas na 30 milyong piso kada araw ang nawawala sa kita ng mga nasa pork industry.

Tinaya ni Morales na papatak na aabot sa halos isang bilyong piso kada buwan ang income losses sa hog industry at tatlong bilyong piso sa nakalipas na tatlong buwang tumama ang sakit na ASF sa mga alagang baboy.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture na may sapat na supply ng karne ng baboy sa kabila ng ASP na nanalasa sa hog industry.

Ulat ni Vic Somintac


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *