VP Leni Robredo, tinanggap na ang alok ng Pangulo sa kaniya bilang co-chair ng ICAD
Tinanggap na ni Vice-President Leni Robredo ang pagkakatalaga sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa isang Press Conference, sinabi ni Robredo na handa niyang tiisin ang lahat ng sinasabi ng iba na ang alok ay isang pamumulitika lamang at ito ay isang patibong lamang upang hindi siya magtagumpay.
Pinakamahalaga aniya ay ang pagkakataong ibinigay sa kaniya upang matigil na ang pagpatay sa mga inosente.
Pero hindi aniya dahilan ito upang tumigil siya sa pagpuna sa administrasyon.
Nagkakamali aniya ang Pangulo na ang pagtanggap niya sa posisyon ay mangangahulugang mananahimik na siya.
Kasabay nito, nag-iwan siya ng tanong sa Pangulo kung handa ba ito para sa kaniya ngayong dalawa at kalahating taon na lamang ang nalalabi sa kaniyang administrasyon.