Panukalang pagbuo ng Department of Disaster and Resilience, dinidinig na ng Senado
Dinidinig ngayon ng Senado ang mga panuklang bumuo ng Department of Disaster Management na siyang tutugon sa mga kaso ng sakuna at epekto ng mga kalamidad.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on Defense and Security,
Isinulong ang panukala dahil sa mabagal na pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno sa mga kaso ng kalamidad tulad ng nangyari sa bagyong Yolanda, krisis sa Marawi city at ang lindol na tumama sa mga lalawigan sa Mindanao.
Katunayan, ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, sa halip na makaresponde agad ng tama sa mga biktima, nagtuturuan ang mga ahensyang nangangasiwa sa relief and rehabilitatios,
Sa pagdinig, inamin ng Department of Budget and Management (DBM) na aabot pa ng 15 araw ang proseso bago sila makapagpalabas ng pondo sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Nakadepende raw kasi ito sa magiging report at assessment ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa panukalang batas, ang bubuuo ng departamento na ang direktang magbibigay ng agarang tulong tulad ng equipment at mga relief goods sa mga tinamaan ng bagyo at iba pang kalamidad.
Ulat ni Meanne Corvera