Maling kahulugan ng Oplan Tokhang, ipinakalat ng mga taong malilikot ang isipan- PDEA
Nagkamalai lamang ng interpretasyon ang taumbayan sa tunay na kahulugan ng Oplan Tokhang
Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, ang mga taong may malilikot ang isipan ang nagbigay ng masamang kahulugan at imahe sa Oplan Tokhang ng PDEA at PNP.
Sa susunod aniya na pagkikita nila ni Vice-President Leni Robredo ay ipapabasa niya dito ang tunay na kahulugan ng Oplan Tokhang upang malinawagan ito na maganda ang layunin ng nasabing anti-drug operation.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit inalok niyang sumama ang Pangalawang Pangulo sa mga anti-drug operation upang sa pagpaplano pa lamang ay malaman na nito na hindi madali ang mga ganitong drug operations.
Tniyak naman nng PDEA Chief na hindi nito isusuong sa panganib ang Bise-Presidente sakaling matuloy itong sumama sa kanilang mga operasyon.
Nagpahayag din ng sama ng loob si Aquino sa mga taong nag-iingay kapag may napapatay na mga drug personalities samantalang wala man lamang nagbibigay ng simpatiya kapag may napapatay sa panig ng mga otoridad.
“Madaling magsabi na ngayon wala nang patayan eh pano kung nagkaroon uli ng patayan, masasabi nyo bang bigo na ang Oplan Tokhang. Once and fo all, gusto kong malaman ng Vice-President na hindi namin makontrol ang sitwasyon sa loob ng target area. Yung mga paa ng aking mga ahente pagpasok pa lang ng target area, nasa hukay na yan eh. at kung ano ang sasalubong sa kanila eh. We expect the worst scenario pero hindi naman pwedeng sasaluhin namin ang lahat ng bala”.