Court of Appeals-Mindanao, walang pasok hanggang bukas dahil sa pinsalang tinamo sa lindol
Walang pasok hanggang Biyernes ang Court of Appeals-Mindanao dahil sa mga pinsalang tinamo ng gusali bunsod ng mga malalakas na paglindol.
Ang CA Mindanao station ay nasa YMCA Building sa Cagayan de Oro City.
Sa isang pahinang memorandum kay Chief Justice Diosdado Peralta ni CA Acting Presiding Justice Remedies Salazar- Fernando, sinabi na nagpasya ag lahat ng CA Mindanao station justices na suspendihin ang pasok hanggang sa November 15 para matiyak ang kaligtasan ng mga kawani ng CA-Mindanao.
Sinabi na inumpisahan na ni CA Executive Justice Edgardo Camello ang paghanap ng panibagong gusali kung saan puwede na agad lumipat ang CA- Mindanao station upang makapagtuloy na muli ng operasyon.
Batay sa pag-iinspeksyon ng mga inhinyero , nagtamo ng significant structural damage ang ilang bahagi ng CA-Mindanao kaya hindi na ligtas para gamitin.
Ang CA-Mindanao ay binubuo ng CA- 21st, 22nd at 23rd divisions na may siyam na Mahistrado.
Ulat ni Moira Encina